Martes, Enero 2, 2018

A Brief Description of the Site of Practice Teaching



San Roque National
High School

Noong Hunyo 19, 1988, pinagpasiyahan ni Kalihim Quisumbing ang kahilingan para mabuksan at masimulan ang Kapitangan – Barangay High School o KBNH – Annex, kasama ang pagsang-ayon ng DECSRO III – Region – Tagapamanihala Bernardo M. Reyes.
            Kahit na ang mga tagapangasiwa ng Paombong High School o PHS ay sinang-ayunan din ito kasunod ng pagtalima ng mga taong nasa katungkulan upang maisakatuparan ito.
Sa unang taon ng pagbubukas at pagsisimula ng klase, ang kabuuang dami ng batang sumubok ng kanilang pag-aaral dito ay umabot sa 98 mag-aaral. Kasamang ipinahiram ang di-ginagamit na silid-aralan ng Mababang Paaralan Central ng Paombong.
Sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na pamilya ng Paombong, si Kongresman Francisco B. Aniag ay sumulat kay Bise-Alkalde Manuel T. Gonzales upang ipagbigay alam ang pagsisimula ng pagtatayo ng nasabing gusali na may anim na silid-aralan ng Kagawaran ng Gawain Pandaan at Pagkukumpuni.
Sa sulat ng ibinigay  kay Directress Pahati ng PHS, si Direktor Reyes ay umaasa na darating din ang tamang pagkakaton upang mailagay sa ayos ang kasunduan sa pagitan ng KBHS-Annex at ng PHS.
Noong Enero 5, 1989, ang PHS ay naniguro ng pagsagot ng pagtulong upang maisaayos ang usapan at sinabing “Kung kinakailangang gawing ipagbili namin sa ikapagpapasiya ng KBHS-Annex ay gagawin naming”.
Ngunit hindi pa rito natapos ang usapan sa pagitan ng KBHS-Annex at PHS. Noong 1989, isang pangyayari ang lalong nakapagpabago sa takbo ng pamamalakad sa DECS. Nagkaroon ng isang kontrobersya sa pagitan ng mga matataas na opisyal. Nagkaroon ng balasahan sa tungkulin at si Kalihim Quisumbing ay napalitan ni Kalihim Isidro Carino.
Isa pang maitatalang pagbabago, noong Marso 17, 1989 isang pagpupulong ang ginanap sa Sangguniang Panlalawigan. Isang panukala ang inialok ni Konsehal Daniel Capulong upang baguhin ang pangalan ng Kapitangan Barangay High School – Annex at maging Mataas na Paaralan ng San Roque dahil sa ilang kadahilanan:
1.      Ang pondong ginagamit upang mapalakad at mapangasiwaan ito ng maayos ay galing sa bayan ng Paombong.
2.      Ang Nasyonal at ang Panlalawigang-Pamahalaan ay patuloy na susuportahan ang paaralang nabanggit kung ang pangalang gagamitin ng paaralan ay lugar ng kinatatayuan nito.
Ang panukala sa pagbabago ng pangalan ng paaralan ay walang tutol na pinagpasiyahan ng pamunuan.
Maitatala sa aklat ng kasaysayan na sa patuloy na pag-unlad at pagsulong ng San Roque Public High School, ang mga taong may matataas na katungkulan sa larangan ng pulitika ay lagi nang may mahalagang tungkulin na ginagampanan. Laging matatandaan na ang Kapulungan-Panlalawigan (Municipal Council) ay siyang bumalikat ng lahat ng gastusin sa mga unang taon ng pamamalakad ng paaralan. Pinaalam din na ang mga kinaukulang ginamit na pinansyal at budget ng SRPHS, ang ating Tagapangulo ng Edukasyon, Pang-Punong Bayan Manuel T. Gonzales ay dumanas ng maraming miyembro ng konsehal. Hindi katulad ng mga unang pangyayari na ang anumang pagpapasiya ay laging naaayon sa lalong ikabubuti ng Mataas na Paaralan ng San Roque. Sa ngayon ay isa o dalawa lamang ang nahahanay sa masugid na pumapabor.
Pagkatapos ng dalawang buwang pag-aaral at pagsisiyasat ng mga nakuhang impormasyon, pati na ang panukalang ipinasa ng Division Secondary Education Task Force at ang mga makatotohanang pagpapaliwanag na isinukat ng Namumunong Guro na si G. Roquito E. Patricio noong Hunyo 18, 1990, si Superintendent Yap ay nagpadalang muli ng panukala na ang pagpapatuloy ng pagpapatakbo ng Mataas na Paaralan ng San Roque sa Regional Director at ito ang kanyang panig at katwiran:
1.      Ang Paombong High School at ang Mataas na Paaralan ng San Roque ay may mga mag-aaral na buhat sa magkaibang antas ng pamumuhay. Ang Paombong High School ay nakatutugon lamang sa panggitna at mataas na pamumuhay samantalang ang SRPHS ay tamang-tama lamang makatugon kahit sa may pinaka-mababang antas ng buhay na tao o iyong mga mahihirap na kababayan.
2.      Humigit kumulang ay umabot sa ₱1,300.00 ang matrikulang hinihingi ng Paombong High School na hindi makakayanan ng mga mag-aaral ng SRPHS.
3.      Masasabing kahit dalawang nabanggit na paaralan ay sadyang malapit sa isa’t-isa, ang mga mag-aaral ng Paombong High School ay hindi lilipat upang mag-aral sa SRPHS.
Sa kasalukuyan, ang Pambansang Mataas na Paaralan ng San Roque ay patuloy sa hindi mapipigilan nitong pagyabong at pag-unlad. Katunayan sa ika-25 nito sa bayan ng Paombong, kung sa simula ay may 3 guro lamang, ngayon ay umaabot na ito sa 60 guro. Ang mga mag-aaral dati ay may bilang 98 lamang, ngayon ay umaabot na sa 1,500 na mag-aaral na bumubuo sa 34 na pangkat na noon na nagmulsa sa 2 pangkat lamang.
Tunay na hindi matatawaran ang tatag ng pundasyon ng San Roque National High School sa patuloy na paglilingkod o pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng Paombong lalong higit sa mga kabataang naghahangad ng maganda at de-kalidad na edukasyon.


My Reflection:

            We always say that the school is the second home of a children. Our parents make sure that the school should be safe and the quality of teaching is good. The tuition in the school should be affordable for anyone especially for those who were less fortunate. I think the San Roque National High School had these characteristics for those students who had a lack of financial assistance that wants to study with lower tuition.
            I am impressed to the officials in that time who were strived to sustain this school for the benefit of the people of Paombong. They were the pillar of this school. Many people of the Paombong were happy because they have a high school that is nearer to their home and the tuition is budget friendly compare to private high school. It is an opportunity for the students who had lack of financial assistance that wants to have an education. I would say that this school is helpful for the youth of Paombong. I observed that the rate of out of school youth nowadays were down compared before this school were built. When it comes to safety, this school had a good security for the students and school personnel. For the facilities, it was good enough and the materials for learnings like books, computer and other learning materials were accessible for all students of the school. Even though that it is not my alma mater, I would say that San Roque National High School is the school that will give you a chance to experience the good quality of education if you are in the upper class, middle class or lower class in the society.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento